Ano Ang Kanser Ng Lipunan Ng Kabanata 13 Ng Noli Me Tangere

ANO ANG KANSER NG LIPUNAN NG KABANATA 13 NG NOLI ME TANGERE

Noli Me Tangere

Kabanata 13: Mga Unang Banta ng Unos

Kanser ng Lipunan:

Ang pagpapatapon sa mga kalaban ng kura o ng mga prayle ay ang pangunahing kanser ng lipunan na masasalamin sa kabanatang ito. Ito ay pagpapakita ng labis na pagsamba at pagsunod sa mga ipinaguutos ng mga prayle kapalit ng pagiging hindi makatwiran o makatarungan sa kapwa Pilipino. Sa kabila ng pag amin sepulturero ng matinding pagkahabag para sa bangkay na kanyang hinukay at iniutos na ilipat sa libingan ng mga Intsik, hindi ioyn naging sapat upang ipaglaban ang karapatan ng kababayan na ilibing sa libingan na inilaan para sa kanya. Masakit isipin na kahit isang malamig na bangkay ay kaya pa din na tiisin ito at abusuhin.

Ang batas ng mga prayle ang siyang nasusunod sa kabila ng katotohanan na ang bayan na ito ay hindi sa kanila. Sila ay mga dayo sa lupaing ito at dapat lamang na sila ang makibagay sa mga Pilipino na totoong nagmamay - ari ng Pilipinas. Isang masakit na katotohanan na noong mga panahong iyon, ang tanging magagawa lang ng mga Pilipino ay manahimik upang maging ligtas ang kanilang buhay at ang mga buhay ng kanilang pamilya laban sa karahasan, pang - aabuso, pagpaparusa, pananamantala ng hindi nila mga kadugo o kaanu - ano.


Comments

Popular posts from this blog

Describe The Status Of Men And Women In The Past Based On The Existing Laws During Those Periods. (Huhu Ano To?)

What Do You Think In The Impllication Of The Story To Human Lives?