Ano Ang Mga Mahalagang Pangyayari Sa Kabanata 11 Ng Noli Me Tangere?
Ano ang mga mahalagang pangyayari sa kabanata 11 ng noli me tangere?
- Si Don Rafael na ama ni Ibara ay hindi kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Ngunit siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay may pagkakautang sa kanya. Kahit busilak ang kanyang damdamin ay kinalaban pa rin siya ng magkaroon ng usapin at ni walang kumampi sa kanya.
- Si Kapitan Tiyago, kahit na masalapi ay sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na mga pagkain kapay siya ay nagpupunta sa bayan. Siya ay tinatawag na Sakristan Tiyago kapag siya ay nakatalikod.
- Ang Kapitan sa bayan ay hindi din kabilang sa mga makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabibili sa halagang limang libo at siya at madalas kagalitan ng Alkalde Mayor.
- Maihahalintulad ang San Diego sa Roma at Italya dahil sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan sa pamunuan ng bayan.
- Si Pari Salvi at Alperes ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Casique ang tawag sa kanila.
Please refer to these links for more reference:
Comments
Post a Comment