Ibig Sabihin Ng Santa-Santita?
Ibig sabihin ng santa-santita?
Santa - Santita
Kahulugan:
Ang katagang ito ay isang halimbawa ng idyomatikong pahayag na ang kahulugan ay nagbabait baitan sapagkat ang santo at santa ay mga simbolo ng kabaitan. Ngunit kapag ito ay ginagamit bilang isang idyomatikong pahayag ang katagang ito ay nagkakaroon ng negatibong kahulugan. Karaniwan itong ibinabato sa mga kababaihan na may maamong mukha ngunit may hindi kanais - nais na pag - uugali. Sapagkat ang mga santa ay karaniwang merong maamong mukha. Katunayan, ang idyomatikong pahayag na ito ay naisapelikula at pinamagatang Magdalena. Ang bidang babae ay may maamong mukha ngunit ang kanyang trabaho ay itinuturing na pinakamababang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Simula ng mapalabas ang pelikulang ito ay naging pangkaraniwan ang paggamit ng idyomatikong pahayag na ito upang tukuyin ang mga kababaihan na may maamong mukha na ganito ang uri ng trabaho. Bukod dito, ang idyomatikong pahayag na ito ay ginagamit din upang ilarawan ang mga babae na may magandang mukha ngunit may hindi kanais - nais na pag - uugali. Madalas na binibigyan ng ganitong titulo ang mga gumaganap na kontrabida sa pelikula at mga kontrabida sa totoong buhay.
Halimbawa:
Kadalasang bukang bibig ng mga taong nagagalit sa isang babae na hindi nila gaanong kilala ay ang mga katagang santi santita.
Comments
Post a Comment